Pinagkakatiwalaan sa buong mundo ang plagiarism checker at AI detector

Maikokompara ng mga user namin ang mga dokumento nila sa pinakamalaking database ng mga artikulong pang-iskolar ng mga kilalang akademikong publisher.
Multilingguwal kami at gayundin ang mga algorithm namin. Suportado ng plagiarism checker namin ang 129 wika.
Malugod naming inaalok ang plagiarism checker namin na magamit nang libre para sa edukasyon. Iniimbitahan namin ang mga guro, lecturer, propesor sa buong mundo na gamitin nang libre ang plagiarism checker namin.
Lahat ng feature sa isang tool
Para sa mga estudyante

Sumulat ng mahusay na papel nang walang kahirap-hirap gamit ang aming serbisyo. Hindi lang namin tinutukoy nang libre ang mga kaso ng plagiarism sa gawa mo. Nariyan din ang team namin ng magagaling na editor para pahusayin ang papel mo at tiyaking maaabot nito ang ganap na potensiyal nito.
- Libreng plagiarism check at mga score sa pagkakatulad Iba kami sa iba pang mga plagiarism checker dahil nakatutok kami sa komplimentaryong inisyal na serbisyo sa pag-check ng plagiarism. Sa amin, madali mong masusuri ang mga resulta ng pag-scan bago magdesisyon kung mamumuhunan sa komprehensibong report. Hindi tulad ng marami pang iba, inuuna namin ang kasiyahan mo habang tinitiyak namin ang transparency.
- Ulat ng pagkakatulad ng teksto kompara sa sources Sa plagiarism checker namin, makakatanggap ka ng convenient na links ng mga source na kaugnay sa mga naka-highlight na bahagi sa iyong dokumento. Gamit ang mga link na ito, masusuri at maiwawasto mo ang mga hindi naaangkop na mga panipi, salita, o paraphrase.
- Database ng mga artikulong pang-iskolar Bukod sa malawak na open database namin, binibigyan ka namin ng opsiyon na i-cross-reference ang iyong mga file sa malawak na koleksiyon namin ng mga artikulong pang-iskolar. Ipinagmamalaki ng aming database ang higit sa 80 milyong artikulo mula sa mga kilalang akademikong publisher, kaya sigurado ang komprehensibong saklaw at access sa mga akademikong karunungan.
Para sa mga guro

Gawing authentic at orihinal ang estilo mo ng pagtuturo. Umasa ka sa walang humpay na suporta namin habang binibigyan ka namin ng libre at makabagong software sa pagpigil sa plagiarism. Sama-sama nating paunlarin ang iyong mga estudyante sa pamamagitan ng edukasyon.
- Libreng plagiarism check para sa mga guro, propesor, at lecturer Alam naming limitado ang access ng mga guro, lecturer, at propesor sa mga propesyonal na plagiarism checker, kaya gumawa kami ng libreng plagiarism checker para lang sa mga guro. Hindi lang plagiarism checking ang inaalok namin, kundi ang iba't ibang paraan din ng maagap na pag-iwas sa plagiarism. Layunin naming palakasin ang mga guro sa buong mundo sa pamamagitan ng pagbibigay sa kanila ng mga kinakailangang tool para mapanatili ang akademikong integridad at maitaguyod ang orihinalidad sa gawaing pang-iskolar.
- Real-time na teknolohiya sa paghahanap Kaya ng plagiarism scanner namin na tukuyin ang mga pagkakatulad sa mga papel na nalathala kahit nitong nakaraang 10 minuto lang sa mga sikat na website. Gamit ang napakahalagang feature na ito, epektibong maikokompara ng mga user ang kanilang mga dokumento sa mga bagong lathalang artikulo, kaya tiyak ang napapanahon at komprehensibong pag-detect ng plagiarism. Itaguyod ang akademikong integridad sa tulong ng aming makabagong teknolohiya.
- Database ng mga artikulong pang-iskolar Bukod sa malawak na open database namin, binibigyan ka namin ng opsiyon na i-cross-reference ang iyong mga file sa malawak na koleksiyon namin ng mga artikulong pang-iskolar. Ipinagmamalaki ng aming database ang higit sa 80 milyong artikulo mula sa mga kilalang akademikong publisher, kaya sigurado ang komprehensibong saklaw at access sa mga akademikong karunungan.