Ang Plag ay nangungunang online na platform na nakatuon sa pag-detect at pag-iwas sa plagiarism, na tinitiyak na authentic at orihinal ang content. Pinapatakbo ng mga advanced na algorithm at malawak na database, sinusuri ng aming platform ang mga teksto para sa pagkakatulad sa sources sa internet at mga nalathalang materyales. Maraming magagamit na feature, kabilang ang pag-aalis ng plagiarism at pagwasto ng grammar para matiyak ang kalidad at katumpakan ng iyong pagsulat. Pinagkakatiwalaan ng mga estudyante, guro, manunulat, at negosyo, layunin ng serbisyo namin na maiwasan ang mga potensiyal na legal na komplikasyon na may kinalaman sa plagiarism, kaya napakahalagang tool nito sa pagpapanatili ng integridad sa gawa mo.
Nagsisimula ang aming proseso sa pamamagitan ng pag-extract ng teksto mula sa iyong file, na pagkatapos ay masusing inihahambing gamit ang aming mga advanced na text-matching algorithm. Masusing ini-scan ng mga algorithm na ito ang iba-ibang database na naglalaman ng parehong pampubliko at bayad na access sa mga dokumento. Iha-highlight ang anumang mga pagkakatulad ng teksto na makikita sa pagitan ng iyong dokumento at mga pinagmulang dokumento. Bukod dito, kinakalkula namin ang porsiyento ng magkatulad na teksto, na tinatawag na score sa pagkakatulad o similarity score, kasama ng iba pang nauugnay na mga score. Sa huli, gagawa ng detalyadong report sa orihinalidad, na nagbibigay ng pangkalahatang ideya sa mga similarity match na makikita sa iyong dokumento at mga kaukulang pinagmulang dokumento, na sinasamahan ng mga kaugnay na score.
Kapag na-upload ang iyong dokumento, sumasailalim ito sa isang komprehensibong pagkompara sa malawak naming database ng mga dokumentong naa-access ng publiko at mga artikulong pang-iskolar. Sa buong prosesong ito, tinutukoy ng aming mga text-matching algorithm ang mga pagkakatulad ng mga salita sa iyong dokumento at ng mga nasa ibang teksto. Kinakalkula ng algorithm ang porsiyento ng pagkakapareho sa pamamagitan ng pag-tally sa lahat ng mga tugma, o tinatawag na score sa pagkakatulad o similarity score. Hindi lang tinutukoy ng mga text-matching algorithm ang mga eksaktong pagkakatulad ngunit kinokonsidera din ang mga pagkakarulad na hiwa-hiwalay sa buong teksto. Para masuri ang risk ng plagiarism, nakatuon kami sa pagkakaroon ng mas malalaking tuloy-tuloy na bloke ng magkakatulad na teksto sa iyong dokumento. Kahit na ang isang makabuluhang bloke ng katulad na teksto ay maaaring potensiyal na plagiarism. Kaya mahalagang tandaan na ang mga dokumento na may mababang porsyento ng pagkakatulad ay puwede pa ring ituring na mataas ang risk batay sa pagkakaroon ng malaking tekstuwal na mga pagkakatulad.
Ang detalyadong report ay nagbibigay ng dalawang mahalagang feature na nagpapadali sa komprehensibong pagsusuri ng iyong dokumento. Una, hina-highlight nito ang pagkakatulad at tugma sa iba't ibang kulay, para sa madaling pagtukoy at paghahambing. Tumutulong ang visual na representasyong ito sa pag-unawa sa lawak at katangian ng kaparehong teksto sa iyong dokumento. Pangalawa, binibigyan ka ng report ng kakayahang suriin at direktang ma-access ang mga orihinal na source ng kaparehong teksto. Hinihikayat ka ng mahalagang feature na ito na saliksikin pa ang mga source at i-verify ang konteksto at katumpakan ng kaparehong content. Sa pamamagitan ng madaling access sa mga orihinal na source, nagkakaroon ka ng mas malalim na pag-unawa sa mga koneksiyon sa teksto at makakagawa ka ng matalinong mga desisyon tungkol sa tamang pag-cite o mga kinakailangang pagbabago.
Sa opsiyon na libreng check, makakatanggap ka ng komprehensibong range ng pagkakatulad ng teksto, mula 0-9%, 10-20%, o 21-100%. Nagbibigay ito sa iyo ng mahahalagang insight sa antas ng pagkakatulad na nakita sa iyong dokumento. Bukod pa rito, madali mong maibabahagi ang nabuong report ng pagkakatulad sa iyong guro, na nagtitiyak sa malinaw na komunikasyon at nagtataguyod ng akademikong integridad. Nag-aalok din ang aming serbisyo ng real-time na plagiarism check, na tinitiyak na masusuri mo agad ang orihinalidad ng iyong content. Gamit ang tampok na ito, puwede mong matukoy at matugunan agad ang anumang mga potensiyal na alalahanin sa plagiarism, para makagawa ka ng mga kinakailangang pagbabago o maiugnay mo nang tama ang mga panlabas na sources.
Pinakamahalaga sa amin ang pagprotekta sa pagkapribado ng iyong personal na data at mga dokumento. Ang aming pangako ay umiinog sa prinsipyong eksklusibong iyo ang pag-aari mo. Mahigpit naming ipinagbabawal ang paggamit ng anumang na-upload na mga dokumento para sa pagkopya o pamamahagi sa anumang anyo. Bukod dito, ang iyong mga dokumento ay hindi kasama sa anumang comparative database. Ang iyong data, kasama ang mga content ng iyong mga dokumento, ay ganap na protektado ng batas. Ang pag-access sa impormasyong ito ay limitado sa iyo at sa aming mga awtorisadong empleyado, para lang sa layunin ng pagbibigay ng suporta sa kostumer. Sumusunod kami sa mahigpit na mga alituntunin sa pagiging kumpidensiyal para matiyak na ligtas at kumpidensiyal ang iyong data sa lahat ng oras. Pinakamahalaga sa amin ang tiwala mo sa aming serbisyo, at ginagawa namin ang lahat ng kinakailangang hakbang para mapanatili ang pagkapribado at integridad ng iyong personal na impormasyon.
Nag-aalok kami ng suporta sa live chat na may tauhan ng mga ahente ng tao para sa mga kliyenteng nagbayad para sa aming mga serbisyo. Bukod pa rito, ang aming helpdesk, na naa-access sa kaliwang menu ng nabigasyon, ay nangongolekta ng komprehensibong impormasyon tungkol sa lahat ng aming mga serbisyo. Sa ilang mga merkado, ang isang AI assistant ay magagamit din para sa suporta.