Para sa mga guro
Kapangyarihan para sa mga guro

Mga benepisyo para sa mga guro

Sa aming serbisyo, mas madali na lang ang pagsuri ng anumang papel para sa potensiyal na plagiarism at pagtiyak na hindi alanganin ang resulta.
- Tumpak at detalyadong mga resulta
- Pag-decipher ng paraphrase sa antas ng AI, hindi na kailangang magmano-mano
- Halos instant na pag-check – tumatagal lang ng ilang minuto
Mga database

Komprehensibo naming ikokompara ang iyong papel sa lahat ng aming database, kabilang ang mga artikulo sa internet at mga artikulong pang-iskolar. Ang comparative database namin ay kasalukuyang naglalaman ng bilyon-bilyong dokumento, tulad ng mga web page, artikulo, encyclopedia, magasin, journal, libro, at artikulong pang-iskolar, at iba pa.
Real-time na check

Ginawa ang system para ma-detect ang mga pagkakatulad sa mga papel na nalathala kahit sa nakaraang 10 minuto sa mga kilalang website. Tinitiyak nito na mabisang matutukoy ng mga user ang anumang potensiyal na pagkakapareho sa kalalathala lang na content, sa pamamagitan ng plagiarism check na titiyak sa integridad ng kanilang gawa.
Talagang mahalaga ang feature na ito dahil maikokompara ng mga user ang kanilang mga dokumento sa mga kamakailang nalathalang artikulo, para matiyak ang kabuluhan at orihinalidad ng kanilang papel.
Priyoridad na pag-check

Ang pag-verify ng dokumento ay proseso na nangangailangan ng malaking resources at puwedeng tumagal.
Priyoridad ang mga pag-check na isinagawa sa account ng guro kaysa sa mga ginawa ng ibang mga user.
Database ng mga artikulong pang-iskolar

Ang aming database ng mga artikulong pang-iskolar ay natatanging database na may higit sa 80 milyong siyentipikong artikulo mula sa pinakasikat na mga akademikong publisher.
Sa opsiyong ito, puwede mong i-check ang papel mo kompara sa nilalaman ng napakaraming kilalang publisher gaya ng Oxford University Press, De Gruyter, Ebsco, Springer, Wiley, Ingram, at iba pa.
Sa pamamagitan ng partnership namin sa CORE, nagbibigay kami ng tuloy-tuloy na access sa napakalawak na koleksiyon ng mga artikulo sa pananaliksik na nakalap mula sa maraming Open Access data provider. Kabilang sa mga provider na ito ang mga repositoryo at journal, na nagsisigurong komprehensibo at diverse ang nilalaman nito. Sa pamamagitan nito, madali mong mae-explore ang milyon-milyong artikulo ng pananaliksik, kaya gumagaan ang mga gawaing pang-akademiko mo at lumalawak ang kaalaman mo sa iba't ibang larangan.
Deep check

Saklaw ng deep plagiarism check na feature ang isang malawak na paghahanap sa mga database ng mga search engine. Sa opsiyong ito, puwede kang makakuha ng mas tumpak at wastong score sa plagiarism para sa dokumento mo. Tinitiyak nito ang isang komprehensibong pagsusuri, na binubusisi ang lahat para matukoy ang mga potensiyal na pagkakatulad at magbigay ng mas maaasahang pagsusuri ng orihinalidad ng gawa mo.
Makakakuha ka ng mas maraming impormasyon sa detalyadong plagiarism check kaysa regular na check. Pero mas tumatagal ang pag-check.
Report ng plagiarism

Sa detalyadong report, magkakaroon ka ng kakayahang masusing suriin ang mga orihinal na pinagmumulan ng mga naka-highlight na pagkakatulad sa iyong dokumento. Hindi lang pinapakita ng komprehensibong report na ito mga simpleng pagkakatulad, kundi mga na-paraphrase na bahagi, mga pag-cite, at mga hindi wastong pag-cite. Sa pagbibigay sa iyo ng detalyeng ito, mas epektibo mong masusuri ang gawa mo at magagawa mo ang mga kinakailangang pagbabago para matiyak ang integridad at katumpakan ng iyong papel. Ito ay mahalagang resource para mapataas ang kalidad ng sinulat mo at matiyak na tumutugon sa pinakamataas na pamantayan ang dokumento mo.